gen ramos
PNP Comptroll Major General Jovic Ramos

Kinumpirma ni Dr. Elvis Bedia, presidente ng Unihealth Southwoods Hospital sa Binan, Laguna na comatose na nang dumating sa ospital sina Directorate for Comptrollership Major General Jovic Ramos at Director for Intelligence Major General Mariel Magaway matapos bumagsak ang Bell 429 twin engine helicopters.

Sinabi ni Bedia, kapwa nagtamo ng mga sugat sa ulo at mukha ang dalawang police generals.

Sa ngayon, nagkamalay na si Magaway na inilipat na sa Asian Hospital.

Si Ramos na lamang ang wala pang malay at nananatiling comatose.

Pinakamatindi ang tama ni Ramos na nagkaroon ng fracture sa mukha at kailangang operahan.

Naiwan pa sa ngayon sa Unihealth si Ramos at sa sandaling mag-stable na ang kaniyang kondisyon, ililipat na rin siya sa hospital sa Metro Manila.

Una rito, sinabi ni Deputy Director Gen for administration Lt gen Camilo Cascolan sina Ramos at Magaway ang nakaupo sa left side ng chopper kung saan ito ang bahagi ang may malakas na impact ng bumagasak ang chopper.

Nagdarasal naman ang mga pulis sa Kampo Crame para sa agarang ikagaling ni PNP chief at ng iba pang mga opisyal ng PNP.

Dalawang taon pa lamang ang bumagsak na Bell 429 twin-engine rotary wing aircraft na may tail number RP 3086. Taong 2018 ng ideliver ito sa PNP.

Ito ang nag-iisang brand new 8-seater chopper ng PNP.

Bato visits PNP chief
Senator Bato with PNP chief Gamboa at BGC