Dumating na sa bansa ang dalawang Filipina na biktima ng human trafficking sa Iraq.

Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) spokesperson Assistant Secretary Eduardo Menez, sinalubong ang ang dalawang Pinay na galing sa Baghdad, Iraq ng Undersecretary for Migrant Workers Affairs

Sinagot naman ng gobyerno ang mga pamasahe ng dalawang biktima.

Sa ngayon ay mayroon ng kabuuang 15 Filipino ang nakabalik sa bansa mula ng ipatupad ang mandatory repatriation sa Iraq noong Enero 8.