BUTUAN CITY – Patay ang dalawang katao nang bumangga ang sa isang Toyota Fortuner ang isa namang motorsiklo dakong alas-9:30 kagabi sa Bayugan City, Agusan del Sur.

Kinilala ni Police Staff Sergeant Anthony Macarayan ang mga biktimang sina Jomar Torayno, 30, binata, residente ng Purok 1, Brgy. Mabuhay ng naturang lungsod, at Marvin Canalita 17-anyos, residente ng Purok 2 ng kaparehong barangay.

Ayon kay Macarayan, papauwi ang mga biktima nang kanilang iniwasan ang road signage ngunit na-overshoot ang kanilang sinasakyang motorsiklo.

Dahil dito, tumilapon sina Toryano at Canalita sa harapang bahagi ng nakasalubong na Fortuner, na minamaneho ni Ryan Polinar ng Purok 3, Brgy. Concepcion sa Compostela Valley Province.

Nasa kostudiya ngayon ng pulisya ang suspek.

Hindi pa naman nakabuo ng desisyon ang pamilya ng dalawang biktima sa kung ano ang kanilang susunod na tatahaking hakbang.