Garden Grove
Garden Grove

Nilinaw ng Santa Ana Police sa California na hindi hate crimes ay isang uri lamang ng pagnanakaw ang naging motibo ng isang lalaki na nanaksak at nakapatay ng apat na biktima.

Pinasok kasi ng lalaki ang isang apartment complex kung saan napatay niya ang guwardiya ng convenience store at isang lalaki sa Subway restaurant.

Sinabi ni Lt. Carl Whitney, ng Garden Grove Police Department, armado ng dalwang machete-type na kutsilyo ang suspek ng kanila itong arestuhin.

Nagsimula ang nasabing insidente ng makatanggap sila ng tawag na isang pagnanakaw ang nagaganap kaya agad silang nagresponde.

Ninakawan pa ng suspek ang isang apartment at maging ang insurance business sa lugar ay kaniyang pinasok at sinaksak ang babae doon.

Tinakbo naman sa pagamutan ang isang babae at lalaki na sinaksak ng suspek.