KORONADAL CITY- Patay ang dalawang lalaki matapos magsalpukaan ang mga motorsiklo na kanilang minamaneho sa national highway ng Alamada, North Cotabato.

Sa impormasyon na ipinaabot ng Alamada PNP sa Bombo Radyo Koronadal, kinilala ang mga biktima na sina Mosaiden Ricor 17 anyos at Allan Gumaway 25 anyos na pawang residente ng Brgy. Dado,Alamada sa nasabing probinsya.

Base sa insiyal na imbestigasyon ng Alamada PNP, napag-alaman na nangyari ang insidente habang nagmamadali sa pagbili ng pagkain si Ricor samantala pauwi naman si Gumaway nang magsalpukan ang kanilang mga motorsiklo.

Kaagad namang isinugod sa bahay pagamutan ang dalawa ngunit hindi na naisalba pa at binawian ng buhay.

Sa ngayon patuloy parin ang imbestigasyon ng pulisya sa nangyaring insidente.