Patay ang 2 katao habang sugatan ng 73 iba pa sa pagsabog ng pagawaan ng paputok sa Turkey.

Sinabi ni Turkish Health Minister Fahrettin Koca, na mayroong 150 trabahador ang firework factory na matatagpuan sa bayan ng Hendek sa Sakarya province.

Nagtulong-tulong ang 85 ambulansya, 11 rescue teams at dalawang air ambulance para madala ang mga empleyado sa pagamutan.

Inaalam pa ng mga otoridad ang naging sanhi ng nasabing sunog.