NAGA CITY – Patay dalawang katao matapos maaksidente ang sinasakyang motor sa Brgy. Paolbo, Calabanga Camarines Sur.

Kinilala ang mga biktima na sila Darwin Baguio at Cornel Baguio.

Ayon sa Camarines Sur Police Provincial Office (CSPPO), nawalan ng kontrol ang driver ng motorsiklo sa kurbadong bahagi ng kalsada na siyang naging sanhi ng aksidente.

Agad namang isinugod sa ospital ang mga biktima subalit idineklarang dead on arrival.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa naturang insidente.