Reading Time: 1 minute

DAGUPAN CITY – Agad binawian ng buhay matapos pagbabarilin ang isang lalaki at isang babae sa bayan ng Sta. Barbara, Pangasinan.

Naganap ang insidente sa kahabaan ng Barangay Gueguesangen.

Sa inisyal na imbestigasyon, lumalabas na ang dalawang hindi pa nakikilalang biktima ay lulan ng motorsiklo patungo sa direksyon ng bayan ng Mangaldan.

Nang marating ang harapan ng isang inn, doon ay bigla na lamang silang pinagbabaril ng mga hindi pa nakikilalang salarin na nagresulta sa agaran nilang kamatayan.

Agad na tumakas ang mga hindi pa nakikilalang suspek bitbit ang armas na kanilang ginamit.

Nakuha sa pinangyarihan ng insedente ang 8 basyo ng bala mula sa pinaniniwalaang .45-caliber na baril.