NAGA CITY- Patay ang dalawang inidibidwal matapos ang isinagawang magkakahiwalay na drug buy bust operation ng Naga City Police Office (NCPO).

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PSMS Toby Bongon, tagapagsalita ng NCPO, sinabi nito na sa tatlong magkakahiwalay na isinagawang buy bust operation sa nasabing lungsod ay dalawa rito ay nauwi Armed Confontation.

Ayon kay Bongon, unang isinagawa ang nasabing operasyon sa pamamagitan ng Search Warrant sa suspek na kinilalang si Dino Dañas sa Brgy. Concepcion Pequeña, kung saan nauwi ito sa armed confontation.

Ayon dito narecover sa suspek ang dalawang heat sealed plastic sachet ng pinaniniwalaang shabu at isang cal .38.

Maliban dito, isinagawa rin ang kaparehas na operasyon sa suspek na kinilalang si Dario Galon, 45-anyos kung saan nagtamo rin ito ng tama resulta ng kanyang agarang pagkamatay sa Brgy. Del Rosario, Naga City.

-- Advertisement --

Kaugnay nito, narecover rin sa suspek ang isang cal. 38 na mismong ginamit ng suspek.

Samantala, arestado rin ang kinilalang si Romeo Era, 50-anyos residente kan Brgy. Bagumbayan Sur, Naga City matapos ang isinagawang buy bust operasyon ng mga otoridad.

Narecover dito ang tatlong pirasong heat sealed transparent plastic sachet, caliber .22 revolver at tatlong live ammunition ng Caliber .22.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa naturang insidente.