MILAN – Umakyat na sa 79 ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa Italy, kung saan dalawa rito ang tuluyang binawian ng buhay.

Dahil dito, napilitan ang kanilang gobyerno na pansamantalang isara ang mga lugar sa northern regions ng Lombardy at Veneto.

Kinansela na ng mga awtoridad sa dalawang rehiyon ang mga nakatakdang sports events, kabilang na ang tatlong top league soccer games.

Pansamantalang sinara na rin sa ngayon ang mga paaralan at unibersidad sa nasabing dalawang rehiyon dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Nabatid na itinuturing bilang industrial heat ng Italy ang Lombardy at Veneto dahil aabot ng hanggang sa 30 percent ang gross domestic output nito.

-- Advertisement --

Sa ngayon, isang emergency decree ang ipinasa sa isang pagpupulong sa headquarters ng civil protection agency ng Italy para magamit ang special powers ng pamahalaan sa pagpigil sa mga tao na umalis at pumasok sa mga lugar na lubhang apektado ng COVID-19.

Sa bisa ng emergency decree na ito ay binibigyan din ng kapangyarihan ang mga ministers ng dalawang rehiyon na kanselahin ang mga nakatakdang sport events at school trips sa labas ng naturang mga lugar. (Reuters)