NAGA CITY- Patay ang dalawa katao habang sugatan naman ang tatlong iba pa sa Brgy. Sipa 3, Padre Burgos, Quezon.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga mula sa Quezon Police Provincial Office (QPPO), nabatid na habang binabaybay ng isang motorsiklo na minamaneho ni Henry Manalo Yopyop Jr. ang kahabaan ng kalsada sa naturang lugar at patungo sana sa bayan ng Pagbilao nang aksidenteng mahagip ng isa pang motorsiklo na minamenho naman ni Joey Gomez.

Kaugnay nito nagtamo ng malalang tama sa iba’t ibang bahagi ng katawan si Gomez at ang kasama nitong Person with Disability (PWD) na prehong agad na binawian ng buhay.

Habang sugatan naman na isinugod sa ospital ang driver ng isa pang motorsiklo na si Yopyop at ang kasamang si Raymond Reyes De Guzman at Geralyn Maderce Purio.

Nabatid na pawang mga lango sa alak ang nasabing mga biktima.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa nasabing insidente.