BACOLOD CITY – Hindi na natuloy ang pagbisita ng isang pamilya sa sementeryo makaraang mauwi sa aksidente ang kanilang byahe papuntang southern Negros Occidental kaninang umaga.

Mula sa Brgy. Pahanocoy, Bacolod City ang pamilya Pantaleon at Novero at papunta sana sa Himamaylan City, Negros Occidental upang magbisita sa kanilang namatay na lolo at may kasama pa silang mga bata.

Ngunit pagdating ng mga ito sa Purok Gumamela, Barangay Calumangan, Bago City, bumangga sa jeep ang isang motorsiklo na may dalawang angkas.

Sa panayam ng Bombo Radyo Bacolod sa hepe ng Bago City Police Station na si Police Major John Joel Batusbatusan, namatay ang driver na si Arnold Villeran ng Brgy. Bantayan, Bago City at ang angkas nito na hindi pa natutukoy ang pagkakakilanlan hanggang ngayon.

Sugatan naman ang angkas sa motorsiklo.

Dahill sa lakas ng impact, bumangga naman sa puno ng kahoy ang jeep.

Sugatan ang driver nito na si Christopher Pantaleon habang maswerte namang minor injuries lamang ang natamo ng 13 pasahero ng jeep na dinala sa Bago City Hospital.

Walang suot na helmet ang mga sakay sa motorsiklo at maaari ring mabilis ang kanilang takbo bago ang aksidente.