-- Advertisements --
Rudolf Philip Jurado

Nadagdagan pa ng dalawa ang mga petisyong kumukuwestiyon sa ligalidad ng Anti Teror Act of 2020.

Kasunod ito ng paghahain sa Supreme Court (SC) ng framers ng 1987 Constitution, Ateneo at Xavier Law proffesors maging si Office of the Government Corporate Counsel (OGCC) chief Rudolf Philip Jurado ng petisyon.

Ayon sa mga framers ng 1987 Constitution, ang Section 29 ng naturang batas ay magiging harang sa isang indibidwal na magpahawag ng kanyang paniniwala, concerns dahil lamang sa mere suspicion dahil puwede raw silang arestuhin nang walang warrant.

Ang naturang mga maaaresto ay puwede raw makulong sa loob ng 24 days.

Una rito, naghain din si Jurado ng kanyang ika-limang petisyon na kumukwestyon sa naturang batas, hindi pa man ito ganap na naipatutupad.

Ani Jurado, ang kanyang inihain ay Petition for Certiorari and Prohibition na humihirit ng Temporary Restraining Order (TRO) at Writ of Injunction laban sa Anti-Terrorism Law.

Nais din ni Jurado na ideklara ng Korte Suprema na “unconstitutional” ang batas o ilang partikular na section gaya ng 4 at 29.

Respondents sa petisyon ang Anti-Terrorism Council, Executive Secreraty, mga kalihim ng Department of Foreign Affairs (DFA), Department of National Defense (DND) at Finance, National Security adviser, PNP, Kamara at Senado.

Umaasa naman si Jurado na aaksyunan ng Korte Suprema ang kanyang petisyon at iba pang nakahaing petisyon. 

Neri Colmenares

Una nang naghain ng kaparehong petisyon ang grupo nina Atty. Howard Calleja, Albay Rep. Edcel Lagman, Dean Mel Sta, Maria ng Far Eastern University (FEU) College of Law, at ang mga miyembro ng Makabayan bloc sa Kamara. 

Kahapon, iniutos na ng Supreme Court ang consolidation ng apat na naunang petisyon kontra sa Anti-Terrorism Act at binigyan ang respondents ng 10 araw para magsumite ng kanilang komento sa isyu.