Iran deputy COVID
Iran deputy health minister Iraj Harirchi

Nagpositibo sa Coronavirus Disease maging ang deputy health minister ng Iran at isang member of parliament.

Unang itinanggi ni deputy minister Iraj Harirchi, na kanilang pinagtatakpan ang pagtaas ng bilang ng kaso ng coronavirus.

Agad naman nitong pina-quarantine ang kaniyang sarili.

Isa kasi ang Iran sa tatlong bansa sa labas ng China na may mataas na bilang ng nadapuan ng nasabing virus.

Isa rito ang Italy at South Korea na may malaking pagtaas ng bilang ng mga pasyente.

-- Advertisement --

Magugunitang nababahala na ang World Health Organization (WHO) sa pagtaas bigla ng mga nahawa sa deadly virus sa naturang mga lugar.