CAGAYAN DE ORO CITY – Bitbit ang kanilang mga armas, sumuko sa militar ang dalawang miyembro ng Dawlah Islamiyah-Maute terrorist group sa Brgy. Gacap, Piagapo, Lanao del Sur.

Sumuko sina Farhan Salik alyas Orak at Alimoden Maunada, 38, dalawang linggo matapos ang nangyaring engkwentro ng kanilang grupo at militar sa boundary ng Piagapo at Balindong na ikinamatay ng kanilang kasamahan na si Jarir Usman, 28.

Kinilala naman ng militar ang tulong nila Moro Islamic Liberation Front commander Salic Dimasangkay at Balindong Barangay Dado chairman Usman Amboloto upang masiguro ang pagsuko ng dalawa.

Isinailalim ngayon sa custodial debriefing sina Salik at Maunada.