CENTRAL MINDANAO-Lumikas ang mga sibilyan sa bakbakan ng mga armadong grupo sa probinsya ng Maguindanao.

Ayon sa ulat ng Maguindanao PNP na dalawang magkaaway na pamilya o grupo ang nagkasagupa sa Brgy Inug-ug Pagalungan Maguindanao.

Dahil sa tindi nang putukan ay lumikas ang mga sibilyan patungo sa mga ligtas na lugar.

Pawang mga armado ng matataas na uri ng armas ang dalawang grupo na mga myembro umano ng isang Moro Fronts.

Kinomperma ng mga bakwit na may nasawi at nasugatan sa magkaaway na grupo ngunit hindi pa matiyak ng mga otoridad.