CAGAYAN DE ORO CITY – Nahuli ng mga operatiba ng pulisya ang dalawang lalaki na umano’y nagtatalik sa parke ng Poblacion Area sa Valencia City, Bukidnon nitong Biyernes ng gabi.

Kinumpirma ni P/Lt. Col. Surki Serenias, hepe ng Valencia City Police Station ang pagkakahuli ni Alyas Jay at John na kapwa dayo sa nasabing lugar.

Sinabi ni Serenias na habang nagpapatrol ang kanyang mga miyembro sa ikinasang Oplan Galugad kay nadatnan nila ang dalawang nagtatalik sa open space na parke.

Kaagad dinampot ang dalawa at dinala sa istasyon upang imbestigahan.