Reading Time: 1 minute

BAGUIO CITY – Nasugatan ang dalawang katao matapos masagi ng isang sasakyan ang sinakyan nilang motorsiklo sa kasagsagan ng Begis, Poblacion, Tuba, Benguet.

Nakilala ang mga nasugatan na sina Reynaldo Valdez Laluan, 50-anyos, may asawa, construction worker at si Edna Laluan Dela Cruz, 49-anyos, may asawa at housekeeper, parehong residente ng Labney, San Jacinto, Pangasinan.

Batay sa report ng Tuba Municipal Police Station, nanggaling ang sasakyang may plakang AEB 9041 sa lunsod ng Baguio at nang ito ay nag-overtake ay nasagi nito ang motorsiklo kaya’t nahulog ang mga biktima mula sa motorsiklo.

Agad naman naisugod sa Baguio General Hospital and Medical Center ang mga nasugatan sa pamamagitan ng mga nagrespondeng awtoridad.