Awang S3
-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Binawian ng buhay ang dalawa katao sa pamamaril sa lalawigan ng Maguindanao.

Nakilala ang mga nasawi na sina Bermark Sague at Johnny Alejandro,nasa tamang edad at mga residente ng North Upi Maguindanao.

Ayon kay Maguindanao Police Provincial Director Colonel Donald Madamba na nakaupo lamang ang mga biktima sa harap ng isang Sari-sari store sa bahagi ng Sitio Tenorio Barangay Awang Datu Odin Sinsuat Maguindanao.

Bigla na lamang dumating ang riding in tandem assassin at pinagbabaril ang mga biktima gamit ang 9mm pistol.

Mabilis namg tumakas ang mga salarin sakay ng motorsiklo na walang plaka patungo sa direksyon ng Cotabato City.

-- Advertisement --

Patay on the spot sina Sague at Alejandro nang magtamo ng maraming tama ng bala sa ibat-ibang parte ng kanilang katawan.

Sa ngayon ay blangko pa ang Datu Odin Sinsuat PNP sa motibo sa pamamaslang sa mga biktima at patuloy pa silang nag-iimbestiga.