LAOAG CITY – Nakapagtala na nang dalawang kaso ng covid-19 dito sa lalawigan ng Ilocos Norte.

Sa advisory ng Mariano Marcos Memorial Hospital and Medical Center sa Lungsod ng Batac, dalawa sa mga apat na Person Under Investigation (PUI) sa ay nagpositibo sa nasabing virus.

Ayon sa nasabing hospital, ang dalawang nagpositibo ng covid-19 ay naka-isolation at nasa stable na condition.

Tiniyak ng pamunuan ng ospital na gagawin nila ang lahat para mapangalagaan at magamot ang mga nasabing pasyente.

Samantala, ipinaalam agad ng nasabing ospital sa Provincial Government of Ilocos Norte at Provincial Health Office ang resultang ipinalabas ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) para sa isasagawang contact tracing kung sino-sino yung mga nakakasalamuha at pinupuntahan ng dalawang pasyente na nagpositibo ng covid-19.