Dinapuan ng COVID-19 ang dalawang kandidata ng Miss Grand International 2020.

-- Advertisement --

Ayon sa nasabing organisasyon nagpositibo sa nasabing virus sina Miss Kenya Irene Ng’endo at Miss Nigeria Chikaodili Nna-Udosen.

Nalaman na nagpositibo ang mga ito base sa resulta ng swab test.

Dahil dito ay agad na na-isolate ang dalawa at dinala ang mga ito sa pagamutan.
Nagnegatibo naman ang mga ilang mga kandidata.

Gaganapin ang finals night ng pageant sa Marso 27 sa Bangkok, Thailand kung saan ang pambato ng bansa ay si Samantha Bernardo.