Reading Time: 1 minute
Ginpapanginano han SOCO team an tricycle nga ginsakyan han mga jail guards ngan lima nga mga inmates tikang ha usa nga court hearing ha Villaba, Leyte kon diin ginpanmumusil hira hin waray pa kakikila-i nga mga suspek.

Photo Courtesy: Ronnie Roa

TACLOBAN CITY – Kaagad namatay ang dalawang jail guard sa Palompon Sub Provincial Jail at isang tricycle driver matapos tambangan sa Barangay Tagbubunga, Villaba, Leyte.

Kinilala ang mga biktimang jail guard na sina Leo Gonzales at Genesis Gamonte, habang ang tricycle driver ay nagngangalang Jr. Escuton na nadala pa sa ospital pero idineklarang dead on arrival.

Ayon kay Pol. Capt. Edgar Octaviano, tagapagsalita ng Leyte Police Provincial Office inihahatid ng mga prison guards ang limang preso galing sa court hearing sa Villaba pabalik sa Palompon, Leyte, nang harangin at paulanan ng bala ng riding-in-tandem.

Hindi naman nasugatan ang limang inmates at hindi rin nagtangkang tumakas ang mga ito na sa ngayon ay balik na sa kustodiya ng Palompon Sub Provincial Jail.

Sa ngayon ay patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad kung saan isa sa mga tinitingnang anggulo ay ang posibilidad na may kinalaman ito sa kinakaharap na kaso ng mga bilanggo lalo pa’t galing pa lamang ang mga ito sa kanilang court hearing.

Patuloy ding inaalam ng kapulisan ang dahilan kung bakit tricycle lang ang ginamit sa paghahatid sa mga inmates.