Reading Time: 1 minute

Arestado ang dalawang entertainer ng bar sa Makati City dahil sa pagbebenta ng party drugs.

Matapos na makabili ang isang nagpanggap na buyer ay agad na inaresto ang mga suspek.

Nakuha sa kustodiya ng mga ito ng 10 tableta ng hinihinalang ecstasy drugs na nagkakahalaga ng P25,000.

Sinabi ni Makati police chief Roger Simon na ang dalawa ay nagbebenta ng party drugs sa kapwa nilang entertainers sa P.Burgos.