Reading Time: 1 minute

Iniimbestigahan na ngayon ang dalawang empleyado ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 dahil sa hindi umano pagbabalik ng napulot nilang pitaka na naglalaman ng P100,000.

Sinabi ni Manila International Airport Authority (MIAA) general manager Ed Monreal, na ang dalawang lalaki ay nagtatrabaho sa restaurant na ang isa ay shift manager.

Agad na inaresto ang dalawa matapos na isumbong sila ng mga nakasaksi sa insidente.

Ayon kay Capt. Goldwin Cuarteros, namumuno sa head of airport police sa NAIA Terminal 3 na napulot nila ang pitaka sa parking lot.

Inamin naman ng dalawa ang kanilang nagawa at hindi nila ibinalik ang pitaka dahil sa takot.