CENTRAL MINDANAO- Dalawang mga drug suspect na high-value target ang nahuli ng mga otoridad sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang mga suspek na sina Oscar Drapiza,45 anyos ,may asawa , residente ng Barangay Tapaya Bagumbayan, Sultan Kudarat at Myrene Ferolino , 45 anyos,dalaga na taga Glan Saranggani.

Nahuli ang mga dalawang drug pushers sa inilunsad na ant drug operation ng pulisya sa Barangay New Bunawan, Tulunan, North Cotabato.

Narekober ng Tulunan PNP at PDEA-Cotabato sa mga suspek ang shabu,mark money, baril at mga bala.

Sa ngayon ay nakapiit na ang mga suspek sa costudial facility ng Tulunan Municipal Police Station at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at RA 10591 o Illegal possession of firearms.