KORONADAL CITY – Nasa kustodiya na ng mga otoridad ang dalawang suspek na nadakip sa drug buy bust operation sa siyudad ng Koronadal bago pa man sumapit ang Bagong Taon.

Isinagawa ang operasyon sa bahagi ng Public Cemetery sa Barangay Zone 4, Koronadal City.

Kinilala ang mga suspek na si alyas Julius, 17-anyos, at Medel Bustamante, 19, kapwa residente ng Prk. Mahigugmaon sa nasabing barangay.

Nakuha sa kanilang posisyon ang 16 medium sized na sachet ng pinaniniwalaang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng mahigit P16,000; at ang P500 na marked money.

Kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act ang kinakaharap ni Bustamante habang nai-turnover na sa Department of Social Welfare and Development ang menor de edad para sa counseling.