KALIBO, Aklan – Nakakulong at nahaharap sa kasong grave scandal at resistance and disobedience upon agent in authority ang dalawang dayuhan matapos na huli sa aktong nagtatalik sa dalampasigan sa back beach sa Sitio Bulabog, Brgy. Balabag, Boracay.

Bahagyang nagtago lamang ang mga ito sa isang bangka habang nagtatakip silim dahilan na maraming residente at bakasyunista ang nakakita, kung saan, kinunan sila ng litrato at video ng ilan sa mga ito.

-- Advertisement --

Kapwa 26-anyos ang dalawang dayuhan na kinabibilangan ng lalaking Australian at babaeng Briton.

Hubo’t-hubad silang naabutan ng mga rumespondeng pulis.

Batay sa imbestigasyon ng Boracay police, hindi magkasintahan ang dalawa at nagkasalubong lamang sa nasabing lugar.

Pinapaniwalaang dahil sa kalasingan kaya’t nagawa ng mga ito kahalayan.

Tinangka pa umano ng lalaki na tumakas, subalit nahabol ito ng mga otoridad.

Batay sa ordinansa, mahigpit na ipinagbabawal sa isla ang pagtatalik sa pampublikong lugar.