TACLOBAN CITY – Pinagbabaril ng hindi pa makilalang mga suspek ang bahay ng acting mayor ng Guiuan, Eastern Samar, na si Hon Susana Bandoy.

Nangyari ang pamamaril sa mismong Barangay 4 ng naturang bayan.

Ayon kay P/Maj. Alex Ruben ng Guiuan Municipal Police Station, sa naging salaysay ng alkalde ay una muna ang mga itong nakarinig ng tatlong putok ng baril pero hindi nito nakita ang mukha ng mga suspek.

Nakuha naman sa crime scene ang fired cartridge ng calibre .30, walong fired cartridge ng caliber .9mm, at isang slug ng 9mm.

Masuwerte naman na walang naiulat na sugatan mula sa insidente.

Mapapag-alaman na tumatakbo ring alkalde sa ngayon sa Guiuan si Bandoy.

Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng kapulisan kaugnay sa pangyayari.