Reading Time: 1 minute
bucor2

Nadiin sa pagpapatuloy ng Senate inquiry ukol sa good conduct time allowance (GCTA) for sale ang dalawang personnel ng Bureau of Corrections (BuCor).

Ito’y makaraang ilabas ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Dante Gierran ang forensic record ng cellular phones nina CSR INS Ma. Benilda Bansil at CO3 Veronica Buno.

Ang dalawang jail personnel kasi ang itinuturo ng testigong Yolanda Camilon na nakakausap niya para sa GCTA for sale, upang makalaya ang kaniyang asawa.

Iginigiit kasi ng dalawa na hindi nila kilala at hindi nakakausap si Camilon, ngunit base sa NBI information, maraming ulit nag-usap ang mga ito at nagkaroon pa ng palitan ng text message.