CENTRAL MINDANAO- Sumuko sa militar ang dalawang miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa lalawigan ng Maguindanao.

Ayon kay 602nd Brigade Chief,Bregadier General Roberto Capulong na sumuko ang dalawang rebelde sa tropa ng 34th Infantry Battalion Philippine Army sa pamumuno ni Lieutenant Colonel Glenn Caballero katuwang ang pulisya.

Ang dalawang BIFF ay kumikilos sa hangganan ng Maguindanao at sa probinsya ng Cotabato.

Pagod na umano ang mga rebelde sa pakikibaka laban sa gobyerno at nais ng magbagong buhay kasama ang kanilang mga mahal na pamilya.

Isinuko ng 2 BIFF ang isang mataas na uri ng armas,mga bala,magazine at isang improvised explosive Device (IED).

Tumanggap naman ng cash assistance at bigas ang dalawang BIFF mula kay Northern Kabuntalan Mayor Datu Ramil “Umbra”Dilangalen at Vice-Mayor Mary Jean Bayam.

Habang nagpasalamat si General Capulong sa LGU-Northern Kabuntalan na tumulong sa pagsuko ng dalawang rebelde.

Hinimok naman ni 34th IB Commander Lt/Col Glenn Caballero ang mga kasamahan ng dalawang BIFF na sumuko na at magbagong buhay dahil tutulungan sila ng gobyerno.