CEBU CITY – Patuloy pang kinikilala ngayon ng mga pulis ang dalawang sinunog na bangkay na natagpuan sa isang bakanteng lote sa may Brgy. Putat, bayan ng Tuburan, Cebu.

Ayon kay PLt. Col. Ismael Gawna, hepe ng Tuburan Police station, nahihirapan silang matukoy ang pagkakakilanlan ng nasabing mga bangkay dahil matindi ang pagkasunog nito na halos naabo na.

Kaya naman kinuhanan pa nila ito nila ngayon ng DNA sample para magiging madali ang pagkilala sa mga biktima.

Una rito, nakatanggap umano ng report ang Tuburan Police Station galing sa isang concern citizen tungkol dito na agad naman nilang nirespondehan.

Sinusuri din nila ngayon ang lugar at ang mga karatig na bayan kung may mga nawawala ba.

Nanawagan din ngayon si Gawana sa mga pamilya na nawalan ng kanilang miyembro na dumulog sa kanilang istasyon para suriin ang mga bangkay.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here