Fire BFP BPAT capiz

ROXAS CITY – Tatlong magkasunod na sunog ang naitala sa lalawigan ng Capiz kahapon Pebrero 2, 2020.

Unang nangyari ang sunog bandang alas-4:00 ng hapon kung saan nasunog ang katubuhan na pagmamay-ari ng dating alkalde ng Pilar, Capiz na si Ike Patricio sa Barangay Jalongajog, Pontevedra, Capiz.

Makalipas ang isang oras nasunog rin ang isang bahay na gawa sa light materials sa Barangay Poblacion, Sapian, Capiz.

Matapos ang 30 minuto ay nasundan naman ito ng sunog sa Barangay Banica, Roxas City kung saan totally burned isang bahay na gawa rin sa light materials.

Ayon sa Bureau of Fire Protection Capiz, na patuloy pa ang kanilang isinasagawang imbestigasyon kung ano ang naging sanhi ng naturang mga sunog.

-- Advertisement --

Maswerte naman na walang naitalang patay at sugatan sa nasabing mga insidente.