ROXAS CITY – Patuloy na ginagamot sa isang ospital sa lungsod ng Roxas ang dalawang babae na aksidenteng nabaril dahil sa pag-awat sa nag-aaway na mga lalaki sa bayan ng Jamindan, Capiz.

Kinilala ang mga biktima na sina Milagros Casabon, 70 anyos at Rosemarie Gardose, 35 anyos pawang mga residente ng Barangay Sto. Rosario ng nasabing bayan.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Jamindan Municipal Police Station, lumalabas na pumunta ang suspek na si Alden Gardose, 40-anyos sa bahay ng pinsan at sa hindi maiwasang pangyayari ang nagkainitan ang dalawa hanggang tinutukan ng suspek na si Alden ng homemade 12 gauge shotgun ang pinsan.

Matapos makita ang pangyayari ay pumagitna ang dalawang biktima para hindi ang kung anumang masamang balak ng suspek.

Ngunit tinamaan sa mukha si Casabon at nagtamo naman ng sugat sa kanang kamay at balikat ang natamo si Gardose.

Patuloy naman ang hot pursuit operation ng mga pulis sa nakatakas na suspek.