MAGUINDANAO – Dalawang mga miyembro ng Abu Sayyaf group (ASG) ang nasawi sa engkwentro ng militar sa Sulu.

Ayon kay Western Mindanao Command chief, Lt. Gen. Cirilito Sobejana na habang nagpapatrolya ang mga tauhan ng 15th Scout Ranger Company ng Philippine Army sa Brgy Bakong, Patikul, Sulu ay nakasagupa nila ang grupo nina ASG-leader Radullan Sahiron at sub-leader Hatib Hajan Sawadjaan.

Tumagal ng isang oras ang palitan ng bala sa magkabilang panig hanggang sa umatras ang mga terorista nang paputukan sila ng mortar ng mga sundalo.

Dalawang ASG member ang nasawi at dalawang mga sundalo ang nasugatan sa engkwentro.

“Pursuit and deliberate offensives continue to pressure and pound down Abu Sayyaf fighters, constricting their movement and preempting terror ploys in the ZamBaSulTa area,” ani Sobejana.

-- Advertisement --

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang combat clearing operation ng militar laban sa ASG sa Patikul.