-- Advertisements --

NAGA CITY – Patay ang dalawang angkas ng motorsiklo matapos makabangga sa nakaparadang kotse sa Barangay Gibanga, Sariaya, Quezon.

Kinilala ang mga biktima na sina Jerson Sarion Sayas, 24, at Van Jerick Cayabat Magsino, 19.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office (QPPO), nabatid na minamaneho ni Magsino ang motorsiklo habang angkas nito si Sayas nang bigla itong sumalpok sa isang nakaparadang kotse sa Barangay Gibanga.

Dahil sa insidente, nagtamo ng seryosong sugat ang mga biktima na agad naman dinala sa ospital ngunit ideniklara nang dead on arrival ng mga doktor.

Sa ngayon, patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa naturang insidente.

-- Advertisement --