Reading Time: 1 minute

DAVAO CITY – Nahaharap na sa kaso ang ama na gumahasa sa kanyang sariling dalawang anak at ginawa pa niyang ex slave sa loob ng 10 taon.

Isa sa biktima ang nabuntis ng suspek sa bayan ng Banaybanay, Davao Oriental.

Una nang napag-alaman mula kay Capt. Eunice Huit ng Banaybanay police station na naisampa na ang kaso laban sa suspek.

Batay sa imbestigasyon, napag-alaman na nabuntis na ang nakakatandang biktima.

Maliliit pa lamang daw noon ang magkapatid nang simulang “galawin” ng sariling ama.

Dagdag pa ng hepe ng kapulisan na posibleng nalaman naman ng ina ang kinahinatnan ng mga biktima ngunit pinabayaan lang sa takot na mawalan sila ng padre de pamilya.

Dahil dito, posible ring makasuhan ang ina kung mapatunayan na wala itong ginawa.

Sa ngayon, inaantay na lamang ang warrant of arrest upang mahuli at makulong ang suspek.