-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY -Kakasuhan ng pulisya sa multiple homicide at physical injuries ang driver ng isang pick-up vehicle kapag mabibigo na magkakaroon ng amicable setllement sa panig ng mga pamilyang namatayan sa Purok 1,Barangay San Jose,Quezon,Bukidnon.

Ito ang paglininaw ni Quezon Police Station commander Maj Carlito Chua nang maka-responde sa madugo na banggaan ng tri-cab at pick-up na parehong nagmula sa isang family gathering sa nabanggit na lugar.

Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni Chua na kabilang sa mga nasawi ay ang dalawang buwan pa lamang na si Jia Micha Dubria; 6-months old na si Jelo Magrilos at ang 3 anyos na si Neljon Maanay na lahat sakay ng tricab na minaneho ni Johnrich Manaay na nadala pa sa Saint Claire Hospital subalit kapwa dead on arrival.

Inihayag ni Chua na nagmula sa magkaibang paliguan ang pamilya ni Fervent Salcedo na sakay ng kanyang pick-up nang biglang nag-manuever ang tricab driver na dahilan na nagkabanggaan.

Sumuko naman si Salcedo habang walang mga sugatan sa kanyang mga miyembro ng pamilya kumpara sa kabilang grupo na nasa walo naisugod sa pagamutan bagamat wala namang seryoso ang kalagayan.

-- Advertisement --

Magugunitang kabilang sa mga sugatan na ay sina Sayra Villaron;Jason Magrilos;Emie Manaay;John Dave Bolongon kapwa mga menor de edad maging sina Jessa Mae Magrilos; Jonel Manaay; Mela Jean Macanay ug Juliet Magrilos na lahat nakatira sa Quezon nang ma-aksidente noong Biyernes Santo ng gabi.