Deny nor confirm pa rin ang beauty queen turned actress na si Kylie Verzosa hinggil sa tunay na estado ng relasyon nila ng aktor na si Jake Cuenca.

Ito’y sa kabila ng pag-post online sa unang pagkakataon ng larawan nila Jake na tila nasa beach ngunit walang anumang makabuluhang caption.Pero sa comments’ section, tatlong heart emojis ang iniwang mensahe ng 31-year-old actor.

Katabi ng kanilang couple photo ang solo pictures ng 2016 Pinay Miss International na nakasuot ng swimsuit, at ni Jake na topless at naka-board shorts.

Sa panig ni Cuenca, una na itong naging matipid sa pagbibigay ng detalye sa kanyang love life at sinabing masaya siya.

Noong 2016 nang maibigay ni Verzosa sa bansa ang pang-anim na Miss International crown, at kinalaunan ay pinasok ang mundo ng showbiz.