LEGAZPI CITY – Simple lamang ang naging pag-alala ng pamilya, kaanak at mga tagasuporta ni dating Party-list Cong. Rodel Batocabe sa unang taon ng pagkamatay nito.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Atty. Justin Batocabe, panganay na anak ng pinaslang na mambabatas, ikinagalak nila ang pagbuhos ng supporters na nagpakita ng pagmamahal sa kaniyang ama sa puntod nito sa Daraga Catholic Cemetery.

Indikasyon aniya ito ng pagkamit ng matagal nang inaasam na hustisya.

Dagdag pa ng nakababatang Batocabe na ipagpapatuloy pa rin niya ang paglilingkod sa publiko kahit wala na ang ama.

Nitong nakalipas na mga araw lamang nang mai-appoint si Atty. Justin bilang direktor ng National Household Targeting Office ng Department of Social Welfare and Development.

Samantala, nagpapasalamat naman ito sa patuloy na sumusuporta sa kanilang pamilya sa panawagan na makamit na ang hustisya sa pagkamatay ng mambabatas.

Kung maaalala, binaril-patay si Batocabe sa gift-giving event sa Barangay Burgos, Daraga, Albay, noong Disyembre 22, 2018, kasama ang security escort nitong si SPO2 Orlando Diaz.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here