SPUTNIK ARRIVAL NTF
-- Advertisements --

Karagdagang 190,000 doses ng Sputnik V vaccines mula Russia ang inaasahang darating sa Pilipinas sa sa weekend o sa susunod na linggo, ayon sa National Task Force (NTF) Against COVID-19.

Ayon kay vaccine czar at NTF chief Implementer Carlito Galvez Jr., ang darating na Sputnik V vaccines ay gagamitin para sa second dose inoculation.

Ito ay complement na rin aniya sa nakatakdang pagdating ng isa pang milliong doses ng Sputnik Light vaccine ngayong buwan.

Samantala, umaasa si Galvez na marami pang indibidwal ang mababakunahan ng Sputnik Light ngayong iisang dose lamang ang kailangan para makuha ang maximum available protection na ibinibigay nito.

Hanggang noong Setyembre 15, aabot na sa 57,547,610 vaccine doses mula sa iba’t ibang manufacturers ang natanggap ng Pilipinas.

-- Advertisement --

Sa naturang bilang, 36 million doses ang binili ng pamahalaan mismo.

Sa ngayon, mahigit 40 million na ng mga bakunang ito ang naituturok ng pamahalaan, kung saan 17 million mahigit ang fully vaccinated na habang higit 22 million naman ang naturukan ng first dose.