-- Advertisements --

ILOILO CITY – Natapos na ng Poland ang pagpapatayo ng 186-kilometre border wall nito sa Belarus.

Ayon kay Bombo International Correspondent Neva Intrepedo, ito ang hakbang ng Poland upang mapigilan ang pagpasok ng mga migrants mula sa Belarus.

Mismo si Prime Minister Mateusz Morawiecki at top security officials ang pumunta sa border area bilang senyales na natapos na ang 5.5-metre-high steel wall.

Nakatakda namang i-lift ng Poland ang state of Emergency na nasiyang humahadlang sa mga journalists at human rights workers na makapasok sa border region.

Sinabi ni Intrepedo na ang bagong border wall ay magsisilbi ring pananggalang sa panlulusob ng ibang bansa lalo na ang Russia kapag lumala pa ang sitwasyon.

Kaugnay nito, inakusahan naman ng mga human rights groups ang Poland ng double standard dahil sa pagpapapasok sa mga Ukrainian refugees ngunit binabawalan naman ang mga Asian refugees.