bootleg1
CTTO
-- Advertisements --

Kinumpirma ng Russian authorities na kanilang naaresto ang dalawang suspeks hinggil sa pagkamatay ng 18 katao sa Urals matapos uminom ng bootleg alcohol kung saan ito ang ikalawang insidente na may nasawi sa pag-inom ng isang ‘di otorisadong inumin.

Ayon sa mga imbestigador, ilang mga indibidwal ang nagbebenta ng alcohol liquid sa publiko na mapanganib sa kalusugan nitong mga nakalipas na linggo sa Yekaterinburg ang ika apat na pinakamalaking siyudad sa Russia.

“Eighteen people died after drinking the liquid,” Pahayag ng Russian Authorities.
Sa ngayon, ongoing na ang imbestigasyon hinggil sa pagbebenta ng sub-standard goods na ikinasawi ng ilang mga indibidwal.

Batay sa report ng Russian authorities, simula ng bvuwan ng Oktubre nasa 36 indibidwal na mula sa Orenburg region ang nasawi matapos uminom ng bootleg alcohol na naglalaman ng methanol na isang highly toxic chemical.

-- Advertisement --

Ang nasabing insidente ay hindi pangkaraniwan sa Russia kung saan 21 million sa mga tao dito ay mahihirap.

Magugunita nuong 2016, nasa 60 katao ang namatay sa Irkutsk sa Siberia matapos uminom ng kontrabandong bath oil na naglalaman ng methanol.

Dahil dito, hinigpitan pa ng Russian government ang kanilang legislation matapos ang insidente. (AFP)