Reading Time: 1 minute
Cambodia
Cambodia Map

Aabot sa 18 katao ang patay matapos ang pagguho ng gusali sa Cambodia.

Ang seven-storey steel concrete structure sa Sihanoukville west Phnom Penh ay bigla na lamang itong gumuho.

Agad namang itinakbo sa pagamutan ang 24 mga sugatang trabahador sa nasabing gusali habang patuloy namang hinahanap ang iba pang na-trap sa gusali.

Sa imbestigasyon ng mga otoridad bigla na lamang bumigay ang steel structure ng gusali na naging sanhi ng tuluyang pagguho nito.