-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Nagpositibo sa Coronavirus Disease (COVID-19) ang isang estudyante sa Cotabato City na nag-aaral sa Davao City.

Ayon kay City Health officer Dr. Meyasser Patadon na nagpositibo ang estudyante sa rapid test na kasama sa local stranded individual (LSI) mula sa Davao City.

Makalipas ang dalawang araw ay muling isinailalim sa swab test ang estudyante at nagnegatibo na ito sa nakakahawang sakit.

Samantala bago lang ay 17 mga LSI ang dumating sa Awang airport at lahat ay isinailalim sa rapid test.

Isa sa mga ito ay nagpositibo sa COVID-19 ngunit hihintayin pa ng city health ang resulta ng confirmatory test.

-- Advertisement --