Mahigit 18.5 million katao na ang fully vaccinated sa Pilipinas kontra COVID-19, ayon sa Malacañang.

Sinabi ni presidential spokesperson Harry Roque na kabuuang 18,560,409 katao na ang fully vaccinated sa bansa kontra COVID-19 hanggang noong Setyembre 19.

Mahgiit 41 million doses naman ang naituturok na, kung saan 22,853,606 dito ay pawang first dose pa lamang.

Sa Metro Manila pa lang, sinabi ni Roque na 6,488,814 katao na ang fully vaccinated kontra COVID-19 habang 8,257,789 naman ang naturukan ng first dose.

Target ng Pilipinas na mabakunahan ang 70 percent ng populasyon nito hanggang sa katapusan ng kasalukuyang taon.

-- Advertisement --

Pagsapit ng Oktubre, sinabi ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. na maaring buksan na sa general population ang COVID-19 vaccination program, kabilang na ang mga bata na mayroong comorbidites.