Reading Time: 1 minute

Arestado ang pitong lalaki at isang babae sa Maynila matapos mahuli sa bisa ng search warrant ng pulisya.

Aabot sa P170,000 ang halaga ng pinaghihinalaang iligal na droga ang nasamsam ng Philippine Drug Enforcement Agency at Manila Police District sa walong suspek.

Batay sa ulat, kilalang nagamit at tulak ng iligal na droga sa distrito ng Sampaloc ang mga naaresto.

Mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga salarin.