Aabot sa 17 katao ang patay sa naganap na sunog sa apat na palapag na gusali sa Gujarat, India.

Karamihan sa nasawi ay mga estudyante na dumadalo sa klase sa tuition center na nandoon sa gusali.

Base sa imbestigasyon, nagsimula ang sunog sa hagdanan ng gusali kaya hindi na nakababa pa ang mga biktima.

Itinuturong dahilan ng sunog ay ang electrical short circuit na mabilis na kumalat sa lugar.