Rawalpindi
Rawalpindi

Nasa 17 katao ang patay dahil sa pagbagsak ng Pakistani army plane sa residential area ng Rawalpindi, Pakistan.

Nakarinig ang mga residente ng malakas na pagsabog matapos na makita ang eroplano na napakababa ang paglipad.

Bumagsak ito sa pagitan ng bayan ng Bahria at Defense Housing Authority na nagdulot din sa pagkasira ng maraming kabahayan.

Sa nasabing bilang ng nasawi 12 dito ay mga residente ng lugar habang lima dito ay mga crew members.

Kabilang sa nasawi sa insidente ang dalawang mataas na opisyal ng Pakistani Army.