DAVAO CITY – Kasabay ng pagtatapos ng 15-araw na deadline ni Pangulong Rodrigo Duterte, 16 na freed convicts dahil sa good conduct time allowance (GCTA) ang sumuko sa pulisya ng Davao region.

Ayon kay police Maj. Jason Baria, tagapagsalita ng Police Regional Office (PRO)- 11, inaalam na ng kanilang hanay kung mula sa kanilang rehiyon ang mga sumukong convict.

Batay sa datos ng PRO-11, lima sa mga sumuko ang boluntaryong nagtungo sa Davao City; tatlo naman sa Davao del Norte, dalawa Compostela Valley, at tig-isa mula sa Davao del Sur at Davao Oriental.

Sa ngayon nakahanda na raw ang pulisya sa rehiyon sa pagpapatupad ng massive man hunt operation laban sa mga nakalabas na bilanggo na hindi pa rin sumusuko.