Dumating na sa bansa ang mahigit 150 overseas Filipino workers na pinauwi mula Dubai at Abu Dhabi sa United Arab Emirates.

Karamihan sa 158 OFWs ay walang wastong travel documents.

Sinalubong ang mga ito ng mga empleyado ng Department of Foreign Affairs (DFA) at inalalayan sa Civil Aviation Training Center sa Pasay City.

Binigyan din ang mga ito ng forms na kanilang dapat sulatan upang matanggap ang financial assistance na ibinibigay ng gobyerno, kabilang na ang pasalubong package, cash assistance at medical checkup.